Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


E-sabong, magbabalik na ba? (Latest Sabong News)

E-sabong, magbabalik na ba?
Author Non Alquitran
Date MAY 28 2023
ANG kontrobersiyal na e-sabong ay magbabalik na? Humahangos na nagreport ang mga kosa kong sabong afficionado na tinatawagan na sila para magprepara ng kani-kanilang panabong na manok dahil tuloy na ang pagbukas ng e-sabong sa Hunyo 1. Abayyyyy, malakas ang loob ha! May basbas kaya ni President Bongbong Marcos ang pagbubukas ng e-sabong? Dipugaaaaa! Kung sabagay, miss na miss na ng mga kosa kong adik sa sabong ang e-sabong. Ano pa nga ba? Hehehe! Mukhang nakalimutan na ang kaso ng 34 missing sabungero ah! Mismooooo! Ambot sa kanding nga may bangs! Ang tatayong manager ng magbubukas na e-sabong ay ang isang Joseph Umbad na taga-Tondo, Maynila. Ayon sa mga kosa kong sabong afficionado, dating ordinaryong Pinoy lang si Joseph subalit sa ngayon “very special person” na siya. Dipugaaaaa! Napakinabangan ni Joseph ang pagiging IT expert niya dahil ang operation ng e-sabong ay gamit ang mga hi-tech na gadgets. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Sinabi ng mga kosa ko na hindi gaganapin ang e-sabong sa mga sabungan sa Sta. Cruz, Laguna o sa Arena sa Maynila kundi sa San Rafael, Bulacan. Isang alyas Cholo ang mamahala ng sabungan para walang huli sa mga pulis. Dipugaaaaa! Siyempre, ang lahat ng sultada ay ire-record ng hi-tech camera na ipapasa naman sa isang link na ikakalat sa mga sabong afficionado. Hehehe! Sayang talaga ang bilyones na kikitain sa palarong ito. Mismooooo! Hindi pa masabi ng mga kosa ko kung sino ang nasa likod nang magbubukas ng e-sabong. Subalit maaring hindi si negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil hindi naman World Pitmaster Cup ang pangalan nito. Kung sabagay, lumabas sa nakaraang Senate hearing na maraming ­operator pala itong e-sabong. Sino kaya sa kanilang ang matapang na sumuway kay BBM? May kaukulang permit kaya itong e-sabong ni Joseph? Hehehe! Kung meron man dapat isabit nila ito sa sabungan sa San Rafael, di ba Boss Cholo? Mismooooo! Matatandaan na ipinasara ni BBM ang e-sabong kahit nag-aakyat pa ito ng milyones na tax sa gobyerno matapos lumutang ang kaso ng 34 missing sabungeros. May ilang suspects nang kinasuhan ang CIDG ng PNP at sa katunayan naglabas na ang korte ng arrest warrant laban sa kanila. May ilang pulis na sumuko na. Eh di wow! Paano mapatigil itong e-sabong kung mismong ang nagtatagong si Negros Oriental Rep. Arnie Teves ay nagsasabing walang bansa sa mundo ang kayang kontrolin ang cyber space. Subalit kung talagang nais ng gobyerno ni BBM na ipahinto ang e-sabong, ang kasagutan lang dito ay kumpiskahin ang camera na nakakabit sa sabungan sa San Rafael, Bulacan at presto wala silang maikalat na video ng naglalabang manok. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Kung hinabol ni Interior Sec. Benhur Abalos ang e-sabong ni Teves, ano kaya ang hakbangin niya sa magbubukas na e-sabong? Abangan!

write a review (Latest Sabong News)