Vic, hinihintay sagutin ang P44 million na utang ng EB! (Latest Sabong News)
Author
Salve V. Asis
Date
MAY 08 2023
Haharap ngayon si Bossing Vic Sotto sa entertainment press para sa media conference ng kanyang bagong sitcom sa GMA 7, ang Open 24/7 with Maja Salvador.
Inaasahang sasagutin niya ang isyung umabot na diumano sa P44 million ang utang sa kanya ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga.
Yup, more than P30 million nga raw ito na naunang sinabi ni former senator Tito Sotto na utang kay Vic at bukod pa ito sa utang kay Joey de Leon ng kanilang programa.
At kahit daw utang pa ‘yun, kinakaltasan na raw si Vic ng tax para sa suweldong ‘di pa bayad.
Sagutin din kaya ni Bossing Vic ang intrigang nabawasan na ang commercial load ng kanilang programa?
May mga product na na-mention sa isang kuwentuhan.
May moral issues daw kaya may ilang diumano’y
nag-pullout na.
Wala pa ring sagot ang kampo ni Sunshine Cruz habang sinusulat namin ito sa inilabas na resolution ng Regional Trial Court of Daet, Camarines Norte kaugnay sa kasong Estafa.
Tulad sa naisulat namin kahapon, diumano’y nag-invest ang mga nagreklamo ng P10 million dahil sa pangakong kikita sila sa online sabong.
Nag-umpisa diumano ang kanilang transaksyon noong February 2022 kung saan pinuntahan daw nila Sunshine at isang nagpakilalang Jonathan Tubic-Dy ang bahay ng mga nagdemanda na sina Benedicto Cosa Padua at Rogelio Cruz Fonacier ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Diumano’y ang pakilala ng dalawa ay konektado sila sa mga pulitiko. Si Sunshine raw ay nagbanggit pa na gagawin siyang Tourism officer ng nasabing bayan at ang kasama niya diumano ay nagpakilalang anak ng isang governador.
Last March pa inilabas ang nasabing resolution kaya’t by this time ay nakapagbayad na sila ng piyansa.
Anyway, kasama si Sunshine sa cast ng Pira-Pirasong Pangarap, na siyang unang teleserye na collaboration ng ABS-CBN at TV5. Pangungunahan ang serye nina Ronnie Alonte, KD Estrada, Joseph Marco, Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Loisa Andalio.