Rep. Teves, buong gobyerno ang kalaban! (Latest Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
APRIL 10 2023
Walang duda ang pinakamalungkot na Pinoy sa ngayon ay walang iba kundi si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves. Kung gaano kasaya noon si Teves sa kainitan ng kinikita niyang milyones sa e-sabong at Small Town Lottery (STL) operations, abayyyyy nabaliktad na ang panahon ngayon dahil itinuturo siyang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.Ang buhay nga ba talaga, no mga kosa? Halos buong gobyerno na ang kalaban ni Teves at ewan ko lang kung makahinga pa s’ya sa samu’t-saring kaso na ipinapatong sa kanya. Dipugaaaaa!
Maging si Interior Secretary Benhur Abalos ay umamin na tulong-tulong ang mga kinatawan ng gobyerno para iligwak si Teves, hindi lang sa Degamo case, kundi maging sa 46 pang political killings sa Negros Oriental. Araguuyyyyy! Siyempre, deny to death si Teves sa pagsasabing “planted” lang ang mga ebidensiya na ibinabato laban sa kanya. Sa unang salpukan ng kaso, panay litaw ni Teves sa social media sabay panawagan kay President Bongbong Marcos na bigyan s’ya ng pagkakataon na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya. Fair play ang hiling n’ya. Hehehe! Nasa abroad kasi itong si Teves at takot s’yang bumalik sa Pinas dahil, ayon sa kanya, may threat sa buhay n’ya. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Mismooooo!
Magaling din itong si Teves. Bago uminit ang kaso n’ya, abayyyyy panay labas nito sa TV at nagbibigay ng ayuda na tig-P20,000 sa mga palaro. Ayosssss na PR stunt ito kung ang simpatiya ng mga Pinoy ang nais niyang makuha. Kaya lang biglang nag-abroad si Teves bago mapaslang si Degamo. Hehehe! Marami pa ding kontak itong si Teves sa gobyerno kaya’t naagapan n’yang tumakas bago makakuha ng samu’t-saring ebidensiya sina Abalos at Justice Secretary Boying Remulla laban sa kanya. Tumpak! Hehehe! Sa ngayon, nabaliktad na naman ang sitwasyon at olats na si Teves sa public opinion bunga sa naglalabasang ebidensiya laban sa kanya, di ba Sec. Remulla Sir? Mismooooo!
Ang alas na hawak sa ngayon ng Task Force Degamo ay itong si Marvin Miranda, na umano’y close-in security ni Teves. Tulad ng analogy sa isang cine, tinawag ni Remulla si Miranda na director, props producer at casting director sa kaso ni Degamo. Tinawag din ni Abalos si Miranda na “missing vital link” sa kaso. Araguuyyyyy! Hindi makasagot si Teves dito sa pagkaaresto kay Miranda ah.
Ayon naman sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ayaw nilang makisawsaw sa mga patutsada nina Abalos at Remulla. Imbes hihintayin na lang nila ang pagsampa ng kaso sa piskalya kung saan maglalabas sila ng kanilang ebidensiya. Sa ngayon, si Teves ay biktima ng “trial by publicity” at ayaw ni Topacio na ito’y gatungan pa. May punto rin si Topacio dito no mga kosa? Hehehe! Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa kasong ito. Abangan!