Iligal na sabong sa loob ng mga farm ibinisto (Latest Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
APRIL 30 2020
MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni ACT–CIS Partylist Rep. Eric Yap anglingguhang iligal na sabong o tupada na nagaganap sa loob ng ilang farm sa Luzon at Visayas sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Dahil dito, nanawagan si Yap sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation nahulihin, ipasara at papanagutin ang nasa likod ng nasabing pasabong.
Ayon kay Yap, vice chairman ng House Committee on Games and Amusement, ilang religious groups ang sumulat o nag-private message sa Facebook page ng ACT-CIS Party List para isumbong ang nangyayaring iligal na sabong o tupada sa loob ng ilang farm sa Luzon at Visayas.
“Base sa sumbong nila, nag-umpisa itong mga pasabong sa mga farm nang ipahinto ang lahat ng uri ng sugal dahil sa COVID-19 (coronavirus disease 2019), simula noong lockdown noong March 15,” ayon kay Yap. Aniya, “Isang alyas Boy Teyada ang sinasabing nagpapasabong sa ilang farm nito sa Laguna at sa Tarlac.”
“Sa Visayas sa Negros, ganun din halos ang sistema. May sabong sa farm ng ilang pulitiko tapos ipapalabas online,” ayon kay Yap.