E-Sabong pinahihinto ng Kamara (Latest Sabong News)
Author
Gemma Amargo-Garcia
Date
OCTOBER 10 2017
MANILA, Philippines — Pinahihinto ng House Committee on Games and Amusement sa gob-yerno ang illegal na ope-rasyon ng on-line sabong o E-sabong na nagkalat na sa buong bansa.
Sa pagdinig ng ko-mite, hiniling ni Paraña-que Rep. Gus Tambunting sa Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Mitra na gawin ang tungkulin niya para matigil ang operasyon ng illegal cockfigh-ting games.
Ang hakbang ni Tambunting ay matapos ideklara ng Office of the Solicitor General sa kanilang legal opinion na ang E-sabong at pagpusta sa cockfight matches sa pamamagitan ng internet na ginagawa ng Manila Cockers Club Inc. (MCCI) ay illegal.
Ang MCCI ay subsidiary ng Manila Jockey Club Inc. at sinimulan ang online sabong noong 2014 matapos makakuha ng permiso mula sa Lokal na pamahalaan ng Carmona, Cavite.
Sa position paper na iprinesenta sa House panel ni Atty. Fernando Domingo, iginiit nito na walang illegal na operas-yon ang MCCI dahil ang ginawang pustahan ay tinanggap at kinumpirma ng Carmona kung saan ang cockpit arena ay legal na nag ooperate.
Binara naman ni ANAC-IP partylist Rep. Jose Panganiban ang MCCI sa nasabing isyu dahil sa halip umano na sa Carmona lamang ang operasyon nila ay kumalat ito sa iba’t ibang lokalidad lalo na sa Metro Manila.