Senior, 5 pa huli sa online sabong (Latest Sabong News)
Author
Joy Cantos
Date
JANUARY 16 2023
MANILA, Philippines — Anim kataokabilang ang isang senior citizen ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya matapos masangkot sa online sabong sa operasyon sa Dagupan City, Pangasinan kahapon (Enero 15) ng madaling araw.
Sa ulat ng Pangasinan Police, kinilala ang mga inaresto na sina Ian Samayo Suyod, 41, Arsan Manawat, 36; Armando Rosario, 66; Sotero Rodas, 52; Kevin Tan, 30 at Ompi Ferrer, 34-anyos.
Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal aktibidades ng mga suspect kung saan maraming katao sa lungsod at iba pang panig ng lalawigan ang nahuhumaling sa nasabing online sabong.
Matapos na maberipika na positibo ang impormasyon ay agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa Brgy. Herrero-Perez ng lungsod na ito na nagresulta sa pagkakasakote sa mga sabungero.
Nakumpiska mula sa mga suspect ang bet money na nagkakahalaga ng P 3,000at isang cellphone.
Nahaharapngayon ang mga suspect sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na nagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan laban sa illegal gambling na inamyendahan bilang Republic Act (RA) 9287 o ang An Act Increasing the Penalties for Illegal Number Games na nag-aamyenda sa ilang probisyon ng Presidential Decree 1602.