Horseracing stakeholders tutol sa tayaan ng Sabong sa OTBs (Latest Sabong News)
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng matinding pagtutol ang iba’t ibang stakeholders ng industriya ng karera sa Sabong betting na nangyayari mismo sa loob ng mga OTBs at sa oras mismo ng takbuhan ng karera na sa kanilang paningin ay illegal at masyado nang nakakaapekto sa bentahan at kinikita ng industriya ng karera.
Sa isang meeting na ipinatawag ng Philippine Racing Commission at GAB noong nakaraang linggo sa Makati City, tinuligsa ng iba’t ibang grupo ng mga horseowners ang nasabing Sabong betting sa loob ng mga OTBs.
Nagsumite ng position paper para sa GAB ang Tho-roughbred Owners of the Philippines (TOP) na nirepresentahan ni Atty. Louie Dimaisip at ito ang nilalaman:
“We are now petitioning your office to rescind or recall the approval granted by GAB to Manila Cockers Club for the operations of the live broadcast and live streaming of e-sabong. First of all, GAB has no power to authorize the operations of e-sabong. Furthermore, with your approval, they started operating in various betting stations that are licensed by GAB only for horseracing. Therefore, we implore you to immediately act on this petition, before the horseracing industry dies,” ayon sa sa TOP.
Isa namang grupo ng horseowners – Klub Don Juan de Manila na nipresentahan ni Jun Almeda – ang nagsabing ang premyo ng kabayo at masyadong nang bumaba dahil sa kapanabayan nito ang Sabong betting sa loob mismo ng mga OTBs. idinagdag pa niya na ang mga taya na dapat sanay pumapasok sa karera ay napupunta sa Sabong.
“Wala na kaming pupuntahan. Lugi na kami sa kabayo, sa pakain. At alam namin na ang pagbaba ng mga taya sa mga OTBs ay nakakaapekto sa dibidendo at premyuhan sa kabayo,” sabi pa ni Almeda.
Sinabi naman ni Nicson Cruz, ang pangulo ng Karera Station Association of the Philippines, Inc. na asosasyon ng mga OTB operators sa bansa, ay nagsabing matagal nang nagtatanong ang karamihan sa kanilang miyembro tungkol sa legalidad ng Sabong betting sa OTBs dahil baka maisarado ng gobyerno ang kanilang negosyo kung ito’y talagang illegal.
“Gusto lang naman namin makuha ang assurance mula sa GAB kung ang Sabong betting ba sa loob ng mga OTBs ay legal o hindi? Matagal na kaming nagtatanong bago pa man pumasok itong 2016. Ang isa pa, kung kinakailangan pa ng panibagong permit diyan sa Sabong betting, sino ang sasagot sa pagbabayad nito. Masyadong maliit ang commission na ibinibigay nila doon sa mga OTBs na mayroon nang mga Sabong betting,” ang sabi pa ni Cruz.
Nagpahayag din ng oposisyon ang Metro Manila Turf Club sa pamamagitan ng isang statement na nagsasabing: “As mentioned in our previous letter (to Philracom) the totalizators intended for horseracing are now being used by Manila Cockers Club, Inc. for the taking of bets in live streamed cockfights. Contrary to the conditions set by the GAB in its letter dated 05 May 2016, the OTBs where these totalizators are located have not been authorized by the local government units concerned to take bets for live streamed cockfights. Without such authority, these betting activities, undertaken through the use of totalizators, constitute illegal gambling.”
Hindi nakadalo ang bagong GAB chairman na si Baham Mitra sa naturang meeting. Ang legal counsel nila na si Atty. Emar Benitez na naroon ay nagsabing dadal-hin niya sa Board ang mga hinaing ng mga stakeholders para sila ang magdesisyon kung anong aksyon ang nararapat gawin.