Cyber sabong ni-raid ng NBI (Latest Sabong News)
Author
Ludy Bermudo
Date
OCTOBER 02 2015
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang internet websites sa lalawigan ng Cavite na umano’y nag-ooperate ng iligal na sugal gamit ang mga sultada ng iba’t-ibang sabong sa bansa.
Bahagi ang nasabing pagkilos ng NBI sa tinawag nilang “cyber gambling crackdown” laban sa nagiging talamak na “sabong internet betting” na buong mundo umano ang tumataya habang aktuwal at “real time” na napapanood ang mga sultada ng cock at stag derby ng iba’t-ibang sabungan.
Agad na naaresto ang apat katao sa pinagtataguang opisina ng online betting ng dalawang sabong websites sa Ancortica cockpit at kasalukuyan silang nakadetine sa NBI office ng Cavite matapos masampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1602, o illegal gambling at R.A. 10175 o anti-cyber crime law.
Kasamang kinasuhan ang sinasabing may-ari ng dalawang sabong websites –
at
, na kinilalang si Erminda Pereira.
Sa ulat ng NBI, matagal na umano nilang minamanmanan ang operasyon ng iba’t-ibang sabong betting websites at nauna nilang naaktuhan ang cyber gambling operation ng grupo ni Pereira na kung saan kinokober ng mga ito ang mga pasabong at derby ng ilan sabungan sa Cavite at mga karatig na lalawigan at kanila itong ipinalalabas sa internet upang mapanood at pagpustahan.
Sa ulat pa rin ng NBI, umaabot umano sa 21 websites ang naglilipanang operasyon ng cyber gambling sa bansa na pinupondohan ng isang sindikato para hikayating magsugal ang mga mahihilig ng sabong sa loob at labas ng bansa, lalo na ang mga OFWs sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Kinilala ng NBI ang mga sumusunod na sabong websites na iligal na nag-ooperate ng cyber gambling sa loob ng bansa:
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
,
, www.sabongcavite.com at ang
.
Ayon sa NBI, may kagyat na pangangailangang masugpo ang online sabong-betting dahil delikado umanong madenggoy ng mga operator nito ang mga mananaya “sapagkat walang katiyakan na maibalik ang pera o makuha ang panalo ng players dahil hindi nakarehistro at hindi kilala ang mga taong nasa likod ng nasabing mga website.”
Sa internet betting ay basta na lamang ipapadala ng players ang kanilang pera sa banko o “pera padala’ at ilo-load ito sa sabong website at pwede na silang tumaya matapos maisalin sa point-format ang salaping naipadala, at kapag nanalo ang isang player ay sa pamamagitan din ng mga “pera-padala” o banko maibabalik ang kanyang puhunan at panalo.