DILG, don’t say it, do it! (Latest Sabong News)
Author
Al G. Pedroche
Date
MAY 23 2022
Paiigtingin daw ng DILG ang pagtugis sa mga illegal e-sabong operators. Ang masasabi ko diyan, don’t say it, just do it!
Noon pa iniutos ni Presidente Duterte ang pagpapatigil sa kontrobersyal na e-sabong ni Atong Ang pero patuloy pa rin ang ilegal na operasyon ng on-line gaming na ito. Ang isa sa mga dahilan kung bakit ibinawal itoay dahil bilyun-bilyong piso umano ang kinikita pero katiting ang ibinabayad sa pamahalaan.
Mukhang lalong grumabe ang sitwasyon. Noon, at least may katiting pang tinatanggap na revenue ang pamahalaan. Ngayon, totally wala na! Kung may tumatanggap ng ganansya, marahil ito ay ang ilangopisyal ng pamahalaan na puwedeng magbigay ng proteksyon sa mga gambling operator.
Wala na itong pinag-iba sa jueteng. Alam natin, at ito ay open secret: May mga local na opisyal at iba pang awtoridad na tumatanggap ng milyones na payola paramakapagpatuloy ang ilegal na operasyon.
Noong araw, may nakausap akong city mayor at tinanong ko ang tungkol sa jueteng payola. Ang sabi niya sa akin, kung hindi raw sila tatanggap ng payola sa gambling operators, saan daw sila kukuha ng ibibigay na tulong sa mga taong araw-araw ay pumipila sa kanila para humingi ng ayuda?
Itinayo ang mga Small Town Lottery bilang panlaban sa jueteng pero lalong lumubha ang illegal gambling. Ang sugal ay sugal na nakapipinsala sa moralidad ng tao kahit ito ay gawing legal.