Pintakasi International Challenge sa Pebrero 2023 (Latest Sabong News)
MANILA, Philippines — Hahataw ang bigating 1st Roligon Pintakasi International Challenge sa Pebrero ng 2023 sa Roligon Mega Cockpit Arena sa Paranaque City.
Inihahandog nina Rolando ‘Ka Lando’ S. Luzong at Nick Crisostomo, ang 12-cock International Gamefowl Breeders Derby (The Bloodline Challenge) ay nakatakda sa Pebrero 18 para sa isang 3-cock Group A eliminations.
Susundan ito ng mga eliminasyon sa Group B at C sa Pebrero 20 at 21.
Sasalang naman ang 4-cock semifinals sa Pebrero 22 (Group A), Pebrero 23 (B) at Pebrero 24 (C) sa event na inihahandog rin ng Thunderbird.
Ang unang 40 entries na may 4, 4.5 o 5 points ay magsasagupa para sa 5-cock pre-finals sa Pebrero 25, habang ang iba pang mga entries na may katulad na naipong puntos ay magtatapat sa Pebrero 27.
Lahat ng entries na may 5.5, 6, 6.5 at 7 points pagkatapos ng pre-finals ay maglalaban sa 5-cock finals para sa kampeonato kung saan isang Galo Meliton trophy – bilang parangal sa yumaong Sabong Magazine publisher at kilalang ‘Ama ng Sabong Derby’ sa bansa – ang ipagkakaloob.
Ang pangalan ng Pintakasi Champion ay iuukit rin sa isang Perpetual Trophy na permanenteng ilalagay sa lobby ng Roligon Mega Arena.