Suspension ng e-sabong, pinalawig ni Marcos (Latest Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
DECEMBER 30 2022
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suspensyon ng operasyon ng e-sabong sa buong bansa.
“There is an urgent need to reiterate the continued suspension of all e-sabong operations nationwide, clarify the scope of existing regulations and direct relevant agencies to pursue aggressive crackdown against illegal e-sabong operations, in accordance with law,” base sa Executive Order (EO) No. 9, na nilagdaan ni Marcos noongDisyembre 28.
Kabilang sa kautusan ang suspensyon sa live streaming o broadcasting ng live cockfights sa labas ng cockpits o cockfighting arenas o premises kung saan ginaganap ang sabong.
Sakop din ng EO ang pagbabawal sa online/remote, o off-cockpit wagering/betting sa live cockfighting matches o activities na naka-streamed o broadcast live kahit saan lokasyon o betting platform.
Habang ang operasyon naman ng traditional cockfights na otorisado o lisensyado sa ilalim ng batas ay hindi sakop ng suspensyon.
Iginiit naman ni Marcos, na obligasyon ng gobyerno na protektahan ang public health, morals at i-promote ang public safety at general welfare ng taumbayan.
Inatasan din ng Pangulo angPhilippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na makipag-coordinate salocal government units (LGUs), at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno at private entities para sa implementasyon ng EO No. 9.
Inaatasan din angDepartment of the Interior and Local Government (DILG) at the Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang kautusan at gawin ang kaukulang hakbang laban sa mga lalabag dito.
Matatandaan na ipinahinto ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong noong May 3, 2022.