EDITORYAL - Vape Bill naman ang ibasura (Latest Sabong News)
Ibinasura na ni President Duterte ang online sabong na ayon sa kanya ay lumilihis sa value ng mga Pilipino. Pinakinggan niya ang ginawang pag-aaral ni DILG Sec. Eduardo Año sa online sabong at nagpasya siyang ipahinto ito sa kabila na nag-aakyat nang malaking buwis sa kaban ng bansa.
Ang ginawa ng Presidente ay labis na ikinatuwa ng mamamayan partikular ang mga magulang na nangangamba sa kanilang mga anak na nahihilig sa online sabong. Napakadaling tumaya sa online sabong gamit ang cell phone at iba pang gadgets. Marami nang buhay ang nasira dahil sa online sabong.
Kung ang online sabong ay nagawang ibasura ng presidente, posibleng ibasura o i-veto niya ang VapeBill(SenateBillNo. 2239). Kung ang sugal na nag-aakyat ng P640 milyon bawat buwan sa kaban ng bayan ay pinakawalan niya dahil lumilihis sa value ng mga Pilipino, ano pa ang Vape Bill na isang bisyong nagdudulot ng kung anu-anong sakit at pawang kabataan ang nahuhumaling.
Kakatwa ang Vape Bill sapagkat binabaan ang maaaring makabili ng vape—mula 21-anyos, ginawang 18. Ipinasa ito noong Disyembre 2021—mas inuna pa kaysa ibang panukala na makakatulong sa mamamayan na sinalanta ng pandemya.
Umalma ang health advocates at iba pang sector sa pagkakapasa ngVapeBill. Sinabi ng mga doktor na delikado ito sa kalusugan. Katulad ng sigarilyo, mapanganib ito lalo na sa mga kabataan. Mariing sinabi ng Department of Health (DOH), ang panukalang batas ay kumukontra sa pinu-promote ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. Nagtagumpay na anila ang bansa para sa pagkontrol sa tabako pero nagkakandarapa naman para isulong ang paggamit ngvape.
Ayon sa mga eksperto, angvapeay may chemicals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nakaka-addict at nagiging dahilan ng cancer. Noong 2018, nakapagtala ang Pilipinas ang kauna-unahang e-cigarette ovapeassociated lung injury na kinasangkutan ng 16-anyos na babae sa Visayas. Ayon sa report, second hand smoke ang tumama sa biktima na nalanghap sa mga kasama sa bahay na gumagamit ngvape.
Ibasura ng presidente ang Vape Bill gaya nang pagbasura niya sa online sabong. Huwag hayaang masira ng bisyong ito ang mga tao lalo na ang kabataan. Iligtas sila sa panganib ng vape.