Duterte nag-sorry sa E-sabong operations (Latest Sabong News)
Author
Malou Escudero
Date
JUNE 16 2022
MANILA, Philippines — “Yung e-sabong, I’m sorry na I didn’t really realize that it would be like [that]. Akala ko kasi, ‘yung ano, the moving factor there was na imbyerna kasi ako. P640 million a month tapos so many billion a year because our, marami nag-o-operate eh.”
Ito ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naging epekto ng e-sabong operations sa kanyang talumpati sa ginawang inspeksiyon sa National Academy of Sports sa Tarlac noong Martes.
Ginawa ni Duterte ang paghingi ng paumanhin isang buwan matapos niyang utusan na wakasan ang online cockfighting activities, kasunod ng imbestigasyon ng Senado sa pagkawala ng mahigit tatlumpung sabungero.
Nauna nang ipinagtanggol ni Duterte ang e-sabong dahil sa kita na naibibigay sa gobyerno. Pero nagbago ang kanyang isip at nanawagan ng agarang pagtigil sa e-sabong matapos magsagawa ng survey si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año noong Abril sa panlipunang epekto ng e-sabong sa mga Pilipino. Isinagawa ang survey sa 8,400 respondents kung saan 62% ay hindi pabor sa e-sabong.
“I realized very late, and I’m very sorry that it had to happen. Hindi ko akalain na ganun,” ani Duterte.