Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


Walang kuwenta si mister (Latest Sabong News)

Walang kuwenta si mister
Author Atty. Jose C. Sison
Date JULY 01 2022
Ang paglusaw ng kasal ng korte dahil sa psychological incapacity ng isa sa mag-asawa ay hindi nangangahulugan na sinisira na ang pundasyon ng pamilya bagkus ay pinapahalagahan pa nga ang pagiging sagrado nito. Ang ginagawa lang ng korte ay hindi nito pinapayagan na magpatuloy pa ang taling nagbibigkis sa isang taong may sakit na psychological incapacity at walang kakayahan na gampanan ang mga obligasyon niya bilang asawa na manatili sa kasal. Ito ay pinapaliwanag sa kaso nina Remy at Danny. Magsiyota sina Remy at Danny mula pa noong high school. Kahit na may pagdududa pa si Remy sa katapatan at pag-uugali ni Danny lalo sa pagiging lasenggo at sugarol nito ay pinili pa rin niya na sumama sa lalaki hanggang magpakasal sila. Hindi nga lang nagbunga ang kanilang pagsasama. Matapos ang pitong taon ay nagsampa si Remy ng petisyon para mapawalang-bisa ang kanilang kasal ng RTC alinsunod sa Art. 36 – Family Code dahil hindi raw kaya ni Danny na gampanan ang tungkulin sa kasal bilang isang asawa. Ayon sa salaysay ni Remy ay isang linggo pa lang pagkatapos ng kasal nila ay nagulat na ang babae na malaman na naubos ni Danny sa sugal at sabong ang lahat ng perang natanggap nilang regalo sa kanilang kasal, imbes na ideposito sa banko. Sa mga sumunod daw na buwan ay napansin naman nito ang pagbabago sa ugali ni Danny. Kahit pa nagbibigay si Remy ng tulong pinansyal para gawing kapital sa mga planong negosyo ni Danny ay lagi naman nauubos ito sa sugal at pag-inom kaya napipilitan siya na magdoble-kayod sa pinapasukan na dental clinic para lang may pambayad sila sa pagkain, kuryente at tubig. Ang masama pa nito, kapag umuwi si Remy na walang pera para sustentuhan ang pagsusugal ni Danny ay panay ang pananakit at pagmumura nito sa kanya. Sa kanilang pag-aaway ay madalas din siyang takutin nito at tutukan ng kutsilyo. May ilang beses din na sinusuntok siya ni Danny at ang nagagawa lang ni Remy ay salagin ng braso ang mga ito kapag hindi niya sinuportahan ang bisyo ng asawa. Minsan pa nga ay pinagbantaan nito na susunugin ang bahay ng nanay ni Remy. Nalaman din ni Remy na maraming karelasyon na ibang babae si Danny. Pati sustento ni Danny sa sariling ina ay pinasasagot nito kay Remy. Hindi rin alam ni Remy na nangutang si Danny ng P300,000 at dahil sa pananakot sa kanya ng pinagkautangan ng asawa ay tuluyang naospital ang pobreng babae dahil sa nerbyos. Nang hindi na niya makayanan ang lahat, nagreklamo na si Remy at nanay niya sa pulisya para makakuha ng Barangay Protection Order laban sa lalaki. (Itutuloy)

write a review (Latest Sabong News)