Duterte ok na suspendihin ang operation ng e-sabong (Latest Sabong News)
Author
Paolo Romero
Date
MARCH 01 2022
MANILA, Philippines — Payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang lisensiya ng online cockfighting o “e-sabong” habang nakabinbin ang resolusyon ng kaso ng 31 “missing sabungeros”.
“Sen. Dela Rosa informed me that PRRD told him yesterday that he agrees!” ayon kay Senate President Vicente Sotto III sa kanyang tweet.Tinukoy nito ang impormasyon mula kay Senador Ronald dela Rosa.
Sinabi naman ng Malacañang na makabubuti sa publiko na hintayin na lamang ang magiging anunsyo mismo ni Pangulong Duterte sa nasabing usapin.
Itinulak nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagpapatigil sa operasyon ng mga e-sabong sa bansa matapos ang insidente ng pagdukot at pagkawala ng tinatayang 31 sabungero sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.
Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, hiniling ni Sotto sa panel na gumawa ng resolusyon upang atasan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na isuspinde ang lisensiya ng mga e-sabong operator habang hindi pa nareresolba ang kaso ng 31 nawawalang sabungero.