Kaanak ng missing sabungeros, ayaw na ng online sabong! (Latest Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
DECEMBER 26 2022
AYAW ng kamag-anak ng 34 missing sabungeros na ibalik ni President Bongbong Marcos ang e-sabong na naging mitsa ng buhay ng mga biktima. Imbes kasi na maging masaya o maligaya sila nitong Pasko, abayyyy dalamhati ang idinulot sa kanila ng e-sabong dahil dinukot at nawalang parang bula ang kamag-anak nila. Iginiit ni Charlene Lasco, na gusto lang ng mga biktima na maghanapbuhay subalit kapalit ng malaking kita ay ang buhay nila.
“Hindi sana mangyayari ito and wealso call to everybody na sana hindi na mabukas itong online sabong na ito. Ito ang naging resulta ng dahil lang sa sugal,” ani Charlene, na nakatatandang kapatid ni Ricardo Lasco, na dinukot ng 15 kalalakihan sa San Pablo City sa Laguna noong Agosto 30. Si Ricardo ay isang master agent ng World Pitmaster Cup na pag-aari ng gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Tsk tsk tsk! Tama lang ang puna ni Charlene na kahit walang e-sabong marami pa namang trabaho na puwedeng ibigay ang gobyerno ni BBM sa mga Pinoy. Dipugaaaaa!
Tinuligsa ni Charlene ang mga suspects na sinaSSgt. Daryl Paghangaan, Pat. Roy Navarete at Pat. Rigel Brosas, Pat. Henry Sasaluya at Pat. Michael Claveria dahil sa pagdukot ng kanyang kapatid at pagtangay ng P10.4 milyon na personal niyang gamit at cash. Sina Paghangaan, Navarete at Brosas ay kakasuhan na ng Department of Justice habang sina Sasaluya at Claveria ay hinahanapan pa ng ebidensiya.
“Ano ang napapala n’yo?” ang tanong ni Charlene sa limang pulis.“Pinahiya n’yo ang sarili n’yo. Pinahiya n’yo ang pamilya n’yo. At higit sa lahat pinahiya n’yo organization,” saad pa ni Charlene. “So ang (moral) lessons learned ito para sa lahat. Mag isip tayo ng many times before we take that favor from another person na mas mataas sa atin simply because of money. Because you cannot buy dignity eh,” ang dagdag pa ni Charlene. “At the end of the day, kung tayo gagawa ng hindimaganda, huwag na kayong mandamay. Umalis kayo sa serbisyo, gawin n’yogusto n’yo,” ang hirit pa niya. Dipugaaaaa! Hehehe!
Natutuwa naman ang mga kamag-anak ng 34 missing sabungeros dahil hindi talaga tinatantanan ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee ang pag-alam ng katotohanan sa kaso. Ayoosssss! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!
Para naman kay Lee, “missing” pa rin ang gagamiting termino para sa nawawalang 34 na sabungero sa kabila ng wala pang makikitang “proof of life” sa mga ito hanggang sa ngayon. Gustong bigyan pag-asa ni Lee ang kaanak ng mga nawawalang sabungero kahit hayagang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na patay na sila. Naniniwala kasi si Lee sa milagro. Hanggang walang narerekober na bangkay, hindi idideklarang patay ang mga biktima. Eh di wow!
Nitong Huwebes, anim pang security ng Manila Arena ang kinasuhan ng DOJ sa ibang kaso naman ng pagdukot ng anim ding sabungeros. Tsk tsk tsk!
Kailan kaya matutuldukan itong e-sabong na iniulat na nagsulputan na naman dahil sa mga camera sa sabungan? Dipugaaaaa! Abangan!