3 pulis kakasuhan sa pagkawala ng ahente ng e-sabong (Latest Sabong News)
Author
Danilo Garcia
Date
DECEMBER 20 2022
MANILA, Philippines — Tatlong pulis na itinuturong sangkot sa pagkawala ng isang ahente ng e-sabong noong 2021 ang nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ).
Sasampahan ng kasong robbery at kidnapping sa San Pablo City Regional Trial Court ang mga suspek na sina P/Staff Sgt. Daryl Panghangaan, Patrolmans Roy Navarette at Rigel Brosas na itinuturong sangkot sa pagdukot sa biktimang si Ricardo Lasco mula sa kaniyang bahay sa Barangay San Lucas sa San Pablo City noong Agosto 30, 2021.
Ayon sa mga kaanak ni Lasco, inaresto umano ang kanilang kaanak dahil sa ‘large scale estafa’ at nagpakilala ang mga suspek na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at tinangay umano ng mga ito ang ilang mahahalaga nilang gamit.
Kabilang din sa tinukoy na sangkot sina Police Lieutenant Henry Sasaluya, Police Master Sergeant Michael Claveria at ilang John Does, ngunit nadismis ang kaso laban sa kanila dahil sa kakulangan ng ‘probable cause’.