Laguna isasailalim na rin sa 'Alert Level 3' ng IATF simula ika-7 ng Enero (Latest Sabong News)
MANILA, Philippines — Isa na namang probinsya ang idinagdag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga nasa ilalim ng Alert Level 3, dahilan para maghigpit doon pansamantala sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang isinaad sa
na inilabas noong Miyerkules na nilagdaan nina Health Secretary Francisco Duque III at acting presidential spokesperson Karlo Nograles — parehong chairperson ng task force.
"NOW, THEREFORE, BE IT RESOLVED, as it is hereby resolved, that the IATF approves the recommendation of the sub-Technical Working Group on Data Analytics in escalating Laguna to Alert Level 3 from 07 January 2022, until 15 January 2022," ayon sa resolusyon kahapon.
Dahil dito, kasama na ang Laguna sa
,
na magpapatupad ng mas mahihigpit na panuntunan laban sa COVID-19 at mas nakahahawang Omicron variant nito habang nananatili sa mas maluwag na Alert Level 2 ang nalalabing bahagi ng Pilipinas.
Nangyari ito isang araw matapos
ni Duque na posible ring i-escalate ang alert level system ng probinsya sa patuloy na pagtaas ng local COVID-19 infections.
Sa ilalim ng alert level 3, suspendido ang mga aktibidad gaya ng:
Sa kabila nito, pinapayagan dito ang:
Kahapon lang nang sumirit sa 10,775 ang bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas, na
.
Aabot na sa 2.87 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ngayon, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health. Samantala, patay na ang 51,662 sa bilang na ito.