11 pang sabungero tiklo sa police raid (Latest Sabong News)
Author
Christian Ryan Sta. Ana
Date
MARCH 01 2022
CABIAO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang 11 lalaki makaraang maaktuhang nagsasagawa ng tupada o illegal na sabong sa isinagawang sorpresang pagsalakay ng mga pulis sa Barangay Sinipit ng bayang ito, kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni P/Major Marlon Serna, acting chief of police dito, ang mga nasakoteng suspek na sinaCarlos Clemente, 54, magsasaka ng Brgy. Sinipit; Cesmar De Leon, 28, fish vendor ng Brgy. Sto Cristo; Juanito Bulos, 69; Percival Garcia, 33, seaman; at Ronaldo Del Rosario, 52, trike driver, pawang mga taga-Brgy. San Fernando Sur; Gregorio Gamboa, 49, trike driver ng Brgy. San Roque; Joel Palomo, 47, magsasaka; Jonelle Clemente, 22, magsasaka; Roberto Bunag, 41, James Bagan, 31, trike driver; at Relli Bagan, 57, jobless, pawang taga-Brgy. Entablado ng bayang ito.
Sa ulat ng pulisya, alas-12:15 ng tanghalinoong Linggo nang sanib-puwersang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group-Nueva Ecija (CIDG-NE), provincial intelligence at drug enforcement unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company ng NEPPO, at ng Cabiao Police, at nahuli umano sa akto ang mga suspek sa pagsasabong na may tayaan ng pera.
Nakuha sa lugar ang bet money na P5,500, apat na manok na panabong, dalawang tari at anim na rooster box.