Sabongonlinegame Recommendation

Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big! Casino Plus | PAGCOR Online Casino - Play and Win Big!
Play Color Game on Casino Plus! Play Color Game on Casino Plus!
Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000! Color Game Grand Jackpot - up to ₱50,000,000!

Latest Sabong Betting Result

Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 05 2022
  1. Sabong Express 3/4-COCK DERBY ; MM 5-COCK DERBY MAY 04 2022
  2. Sabong International MIDNIGHT EXPRESS MAY 04 2022
  3. Sabong International A3 - NEGROS OCCIDENTAL 6 COCK DERBY PRE-FINALS MAY 03 2022
  4. Sabong Express 4-COCK DERBY MAY 03 2022

Where to bet: Tips & Tricks to Win in Online Sabong

Legitimate List of Casino Online Real Money
Legitimate List of Casino Online Real Money
  1. Online Casino in Philippines: Get Lucky and Win Big Prizes
  2. Start Playing on Online Casino Best Sites Now
  3. List of Casino Online with Real Money
  4. Come Play Online Casino Legit Games

Sabong International Online Betting - Here's What You Can Expect

WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
WPC2027 Live Dashboard Login: The Future of Online Betting Game
  1. Know the Process for WPC2027 Live Dashboard Login
  2. Check Out the Latest WPC 2021 Schedule Today
  3. Stop E-Sabong
  4. E-Sabong Suspension Date

Online Sabong How to Register And Play

What Is WPC2027 Login Account?
What Is WPC2027 Login Account?
  1. The Suspension Of E Sabong 2022
  2. Updates On The Suspension Of E Sabong
  3. NEWS FLASH: Stop E Sabong
  4. One Of The Best: WPC2027 Register

Latest Sabong News

24 operator ng e-sabong, huli sa raid
24 operator ng e-sabong, huli sa raid
  1. E-sabong operators binabalahura si BBM
  2. Kontrobersiyal na PAGCOR logo pinaiimbestigahan sa Kamara
  3. Cattle rustlers & chicken thieves
  4. Walay problema uy!


3 pulis, sapol sa kaso ng 34 missing sabungeros!­ ­— Gen. Lee (Latest Sabong News)

3 pulis, sapol sa kaso ng 34 missing sabungeros!­ ­— Gen. Lee
Author Non Alquitran
Date DECEMBER 21 2022
“HINDI natutulog ang hustisya!” Ito ang binigyang-diin ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee matapos makitaan ng probable cause ang tatlong pulis na sangkot sa robbery at kidnapping sa master agent na si Ricardo Lasco sa Laguna. Ayon kay Lee, sasampahan sa korte ng kasong kidnapping and serious illegal detention sa inalim ng Art. 267 at robbery with intimidation sa ilalim naman ng Art. 294 ng Revised Penal Code ang mga suspects na sina SSgt. Daryl Paghangaan, Pat. Roy Navarete at Pat. Rigel Brosas, ng Laguna police. Sa 19-page resolution, kinonsidera ng DOJ ang mga testimonya ng mga testigo, at CCTV footages sa sapilitang pagdukot kay Lasco para kasuhan ang mga pulis. Dipugaaaaa! Paktay kayong bata kayo! Hehehe! Lalabas din ang katotohanan dito. Mismooooo! Kung sabagay, may iba pang ebidensiya na isinumite ng CIDG SITG “Sabungero” laban sa mga suspects na puwersahang pumasok sa bahay ni Lasco sa Bgy. San Lucas 1, San Pablo City, Laguna noong Agosto 30. Ang mga pulis ay nagpakilalang taga-NBI at umano’y may dalang arrest warrant sa large-scale estafa. Natangay ng mga suspects’ ang personal belongings ni Lasco at pera ng mga kaanak na umaabot sa P10. 4 milyon, ani Lee. Si Lasco ay master agent ng World Pitmaster Cup ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. “Tayo ay natutuwa sa paglabas ng rekomendasyong ito at tayo’y umaasa na mareresolba rin natin ang iba pang kasong ating hawak para dito sa mga nawawalang biktima,” ayon pa sa CIDG director. Eh di wow! Hehehe! Lumilinaw na ang kasong ito! Tumpak! Nilinaw naman ni Col. Jean Fajardo, PNP spokeperson na napirmahan na ang dismissal order, hindi lang laban kina Paghangaan, Navarete at Brosas, kundi maging kina Henry Sasaluya at Michael Claveria. Ayon kay Fajardo, wala pang lumulutang na testigo laban kina Sasaluya at Claveria kaya’t hindi sila kasama sa DOJ resolution. Subalit kapag naituro na sila ng testigo, isasama na sila sa kakasuhan. Ang kaso ni Lasco ay isa lamang sa walong kaso na hawak ng CIDG SITG “Sabungero” na nakialam na sa imbestigasyon matapos i-dismiss ng prosecutor’s office ng San Pablo City ang isinampa na kaso laban sa mga pulis. Eh di wow! Hak hak hak! Kahit hindi pa ibinubunyag ni Justice Sec. Boying Remulla kung sino ang mastermind sa kaso ng 34 missing sabungeros, nakatingin ang mga kosa kong mga sabong affiicionado sa isang may-ari ng sabungan. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Sinabi ni Fajardo na ang tatlong pulis ay naka-restrictive custody ni Calabarzon police director Brig. Gen. Tateng Nartatez at hindi sila sumasali sa operations. Tuloy-tuloy pa ang suweldo nila subalit mahihinto ito kapag lumalarga na ang administrative at criminal cases laban sa kanila. Tiniyak ni Fajardo na mas mabilis ang paggalaw ng administrative case laban sa mga pulis kumpara sa korte kung saan halos puno na ang kalendaryo nila. Mismooooo! Iginiit ni Lee na walang inaatrasan ang CIDG SITG “Sabungero” para tuklasin ang katotohanan sa kaso ng 34 missing sabungero hanggang magkaroon ng resolution ito. Kaya iniimbitahan uli ni Lee ang mga kamag-anak ng nawawalang sabungero sakanyang opisina bukas para bigyan sila ng updates sa kaso. Abangan!

write a review (Latest Sabong News)