5 pulis sangkot sa ‘missing’ sabungero, sibak sa serbisyo (Latest Sabong News)
Author
Doris Franche-Borja
Date
DECEMBER 21 2022
MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang limang pulis na sinasabing sangkot sapagdukot at pagkawala ng e-sabong master agent na si Ricardo Lasco,noong 2021 sa Laguna.
Ang mga pulis na dinismis sa serbisyo ay sina P/Staff Sgt. Daryl Panghangaan, Patrolman Roy Navarette at Patrolman Rigel Brosas na una nang nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) para sa kasong robbery at kidnapping.
Lusot man sa kasong kriminal, sibak din sa serbisyo sina P/Lieutenant Henry Sasaluya at P/Master Sergeant Michael Claveria.
Sinabini Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na ang pagsibak sa limang pulis ay kasunod ng paglagda ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa rekomendasyon ng Internal Affairs Service na alisin na ang mga nabanggit sa serbisyo dahil sa grave misconduct ang mga ito.
“Once ma-receive nila ‘yung official copy ng kanilang dismissal order then the PNP will let go of them dahil wala na rin jurisdiction ang PNP sa kanila. Kailangan na lang po talaga maipa-receive sa kanila officially para at least they will be given the opportunity, as part of due process to appeal ‘yung recommended penalty sa kanila”, ani Fajardo.
Nabatid na nasa restrictive custody na ang 5 mga pulis sa tanggapan ng Police Regional Office 4A.
Inaasahan naman ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kaso laban kina Panghangaan, Navarrete at Brosas.
Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Ronald Lee, patunay lamang ito na may hustisya. Simula na itoupang maresolba ang kasong iba pang nawawalang sabungero.
Nabatid na ikinonsidera ng state prosecutors ang lahat ng testimonya ng mga saksi maging ang closed circuit television (CCTV) footage kung saan kita ang pagdukot at pagbitbit kay Lasco.
Ang mga pulis ay positibong kinilala ng mga saksi nang pumasok at magpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsisilbi ng arrest warant sa kasong large scale estafa kay Lasco noong Agosto 30, 2021 sa Brgy. San Lucas 1, San Pablo City Laguna .