Kagawad, 2 pa huli sa tupada (Latest Sabong News)
Author
Christian Ryan Sta. Ana
Date
DECEMBER 26 2021
JAEN, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad at dalawa pang lalaki makaraang sorpresang salakayin ng pulisya ang isinasagawang illegal na sabong o tupada sa tagong lugar ng Barangay Hilera ng bayang ito sa bisperas ng Pasko.
Kinilala ng Jaen Police ang mga naarestong sina Ireneo Callanga, 57, may-asawa, barangay kagawad ng Lambakin, dito; Mark Joseph Tolentino, 32, binata, at Nicolas Gomez, 60, may-asawa, kapwa ng Barangay Ulanin Pitak ng nasabi ring bayan.
Isa ring sabongero ang nakatakas na nakilalang si Carlito Galang, chief bantay tanod ng Barangay Hilera.
Narekober sa lugar ang perang taya na aabot sa P3,200 at ang tatlong panabong na manok.
Kasama ng Jaen Police sa pagsalakay sa lugar ang mga tauhan mula sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office, 303rd Mechanized Company ng Regional Mobile Force.