MANILA, Philippines — Isinagawa ng Thunderbird ang Manila Challenge 6-Stag All Star Invitational Derby kamakailan sa Manila Arena ito’y upang makalikom ng pondo para magamit sa programang pangkawanggawa at pangangailangan sa Health Center na itinayo sa Palawan.Halos lahat ng backyard breeder at maging ang malalaking farm ay naapektuhan ng todo sa kasagsagan ng COVID-19.“During the pandemic, lahat hindi alam ang gagawin. Lahat nangangapa. Dahil nahinto ang mga sabong, we came out with an idea on how to help our partners and support the industry. We identify our partners and dealers. Yung mga tindahan, lalo na yung malillit binigyan namin ng ayuda yung mga takal boys at tindera. Sa mga farm, sinuportahan din namin yung mga workers, mananari at mga doctor ng manok.” sabi ni Alimario Flores, Trade Marketing Head ng Thunderbird.Kasama ang Thunderbied sa pagtulong sa pagbangon ng sabong matapos sumadsad sa loob ng dalawang taon.Samantala, mga tigasing breeders ang lumahok sa Manila Challenge kabilang sina Patrick “Idol” Antonio, Rey Briones, at dating Palawan Governor at Congressman Abraham ‘Baham’ Mitra.