Operasyon ng sabungan sa QC, dapat aprubado ng city council (Latest Sabong News)
Author
Angie dela Cruz
Date
FEBRUARY 03 2017
MANILA, Philippines - Kailangan munang dumaan sa approval o may franchise na ibibigay ang Quezon City council upang maging legal ang operasyon ng isang sabungan sa lungsod.
Ito ang tinuran ni QC Councilor Victor ‘Jun’ Ferrer hinggil sa operation ng online cockfighting o sabong sa ibat- ibang lugar sa lungsod.
Anya, ang OTBs na tumatanggap ng online sabong bets sa QC ay may business permits lamang mula sa Mayor’s Office. Ito anya ay hindi sapat kung walang ordinansa na pumapayag sa operasyon nito.
“The Local Government Code is very clear; it specifically lists cockfighting as one of the amusement activities that must be regulated by the Sangguniang Panglunsod and as such, the taking or receiving of bets for the game and the payment of the winnings within the city, whether conducted live or through whatever means, falls under our jurisdiction,” sabi ni Ferrer.
Alinsunod anya sa Section 458 ng Local Government Code , kapangyarihan at tungkulin ng Sangguniang Panlungsod na magbigay ng lisensiya para sa operasyon ng sabungan,maintainance nito at pag- regulate sa sabungan at commercial breeding ng mga panabong
Malaki anya ang nawawalang kita ng lokal na pamahalaan dahil sa operasyon ng sabungan sa QC na hindi ikinukuha ng franchise mula sa QC Council.