12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP (Latest Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
MAY 25 2022
MANILA, Philippines — Nabuking ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 e-sabong at walong social media pages sa kabila na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito.
Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office,sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro sa Pilipinas na may operators at administrators, habang ng 10 ay nasa ibang bansa.
Sinabi ni Sabino na dina-download lamang ng mga mananaya ang application at maaari nang mamili ng online games at tumaya.
Kadalasan ding pino-promote ang link sa mga FB page.
“This is the recruitment avenue of bettors. The bettors will communicate with the administrators of the Facebook page and then the administrator will give them a link for them to download,” ani Sabino.
Kailangan din munang magdeposito ang mananaya ng P100 bilang depositupang marehistro. Ginagamit na rin umano sa online sabong ngcryptocurrency sa pagtaya.
Hiniling na rin ng PNP sa FB ang pagtatanggal sa e-sabong.
Matatandaang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang e-sabong kasunod ng pagkawala ng 34 sabungero.