UP, Ateneo didikit sa Finals (Latest Sabong News)
Author
John Bryan Ulanday
Date
DECEMBER 07 2022
MANILA, Philippines — Kiskisang sabong sa pagitan ng No. 1 na Ateneo Blue Eagles at No. 4 na Adamson Soaring Falcons ang babandera sa bigating Final Four ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Aarangkada ang duwelo sa main game sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng laban ng reigning champion at No. 2 na UP Fighting Maroons kontra sa terserang NU Bulldogs sa alas-2 ng hapon.
Paborito ang Ateneo at UP laban sa kanilang mga kontrapelo hawak ang twice-to-beat bonus bilang top seeds kaya kung makakalusot agad ay aabante na sa best-of-three finals para sa kanilang higanteng rematch.
Upang magawa ito, itutuon ng Blue Eagles ang atensyon na hindi madamay sa rumaragasang momentum ng Soaring Falcons matapos ang pambihirang 80-76 panalo kontra sa La Salle sa do-or-die playoff upang madagit ang huling tiket sa semifinals.
Dahil sa tagumpay na iyon ay pinurnada rin ng Adamson ang sana’y alamat na banggaan ng Ateneo at La Salle sa Final Four.
Samantala sa women’s finals sa alas-11 ng umaga, sisiklab din ang bigating sagupaan tampok ang six-time reigning champion na NU Lady Bulldogs at La Salle Lady Archers.