Sa Philsports at Cuneta muna ang PBA Games (Latest Sabong News)
Author
Nelson Beltran
Date
JANUARY 07 2017
Sa mga fallback venues gaya ng Cuneta Astrodome at PhilSports Arena maglalaro ang PBA sa homestretch ng Philippine Cup elimination round dahil fully booked ang Smart Araneta Coliseum at MOA Arena ng ibang events.
“Nagka-problema dahil biglang dumating ang Ms. Universe Pageant sa MOA Arena at may i-ho-host ang Araneta na iba’t ibang events,” ani PBA commissioner Chito Narvasa.
Kumpiyansa naman si Narvasa na patuloy na tatangkilikin ng mga tao ang Philippine Cup lalo na at importanteng-importante na ang labanan para sa playoff seats.
Ibang-iba nga lang talaga ang Big Dome at MOA Arena dahil mas komportable sa mga tao ang kanilang facilities kumpara sa ibang venues.
Trapik, mahirap puntahan at mahirap ang parking sa PhilSports Arena sa Pasig. Trapik, mahirap ang parking at madilim ang kapaligiran sa Cuneta Astrodome.
Ngunit wala nang magagawa pa ang PBA. Sa PhilSports Arena at Cuneta Astrodome na ang lahat ng laro sa elims sa huling dalawang linggo ng January.
Mas mataas ang gate sale ng PBA sa first half ng Philippine Cup elims kumpara sa parehong stretch noong nakaraang taon. Ma-sustain kaya nila ang magandang hatak ng tao sa PhilSports Arena at sa Cuneta Astrodome?
***
Malaking sabong ang nakatakda bukas sa pagitan ng San Miguel at Barangay Ginebra sa Smart Araneta Coliseum.
Ang silip ni SMB coach Leo Austria at ng marami pang iba, SMB, TNT KaTropa, Rain or Shine at Ginebra ang mga koponang mag-aagawan sa Top Two spots o dalawang puwesto na may regalong twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
***
Inaanunsyo ni Lynne Alemania Ramirez na ang Batch 77 ng Southeastern College ng Pasay City ay magsasama-sama sa selebrasyon ng kanilang 40th jubilee simula alas-4 p.m. sa Feb. 11 sa Philippine Navy Golf Club Alano Hall, Fort Bonifacio, Taguig. Para sa mga katanungan, call Alemania-Ramirez at 3517482, 09152865987.