Tonyboy at Atong nag-bonding, Gretchen tuloy sa love is essential! (Latest Sabong News)
Author
Salve V. Asis
Date
NOVEMBER 14 2021
Aww ‘di naman pala true na may something kina Tonyboy Cojuangco and Atong Ang.Makikita nga sa IG story ni Gretchen Barretto kahapon na nagbo-bonding sina Mr. Cojuangco (na Dada ang tawag ng controversial ex-actress turned businesswoman) at Mr. Ang as in super tsikahan at nakikipaglaro pa sa aso.
Na ayon sa isang malapit kay Ms. Greta, magkakasama raw ang tatlo sa Lipa, Batangas since the other day.
At ‘pag may talpakan nga raw sa Lipa o Manila Arena (Sta. Ana Manila), may time raw na dumadalo pa diumano si Mr. Cojuangco at pinupuntahan sina Greta at Mr. Ang.
At minsan naman daw, diretso sila sa bahay nila sa Tagaytay Highlands.
Kasi nga raw super legit business partners sina Mr. Ang at Gretchen at wala raw talagang malisya.
Maaalalang pumasa sa House of Representatives ang prangkisa sa online cockfighting o “e-sabong” firm na Lucky 8 Star Quest Inc., operator ng Pitmasters Live games ng Filipino-Chinese gaming aficionado na si Mr. Ang. Bumoto ang mga kongresista ng 161-2 para aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10199 na nagbibigay ng 25-taong prangkisa sa Lucky 8 Star Quest.
Habang si Gretchen naman ay tuloy ang ‘love is essential’ project na pamimigay ng bigas, wheelchairs at love box of goodies.
Hindi pa rin pala nakikita ang asong si Luka na nauna nang ipinanawagan ni Heart Evangelista na nawawala.
May offer na silang P50,000 sa sinumang makakapagsauli ng nasabing dog. Kahapon ay si Korina Sanchez naman ang nag-post nito.
Samantala, ang busy-busy ni Ate Koring base sa mga post niya sa social media.
Hindi nga siya nakasama sa beach ng kambal nila ni ex-senator Mar Roxas. “At habang work si Mama ayun! Nasa beach si Pappi at ang kambal. Hmmmmmphhh. But guess what the kids wrote on the sand #PambansangPampaGoodVibes #TatayNiPepeEnPilar,” chika pa ni ate Koring sa kanyang IG page sa litrato ng kambal sa beach na nagsulat sa buhangin ng ‘Hello Mama.’
Nung minsan naman ay sinabi niyang dinalaw siya ng mga anak sa kanyang quarantine home.
Ang sipag din kasi ni Ate Koring na sabi nga niya sa huling interview namin ay gusto niya na may sarili siyang kita at ayaw umasa sa mayamang mister na dating pulitiko.
As in parati siyang nasa taping ng Rated K na napapanood na sa maraming platforms at hindi na lang sa Kapamilya Channel at TV5.