Nakakahiyang Lisa (Latest Sabong News)
Author
PITO-PITO
Date
DECEMBER 20 2016
Magdikdik ng 10 cloves ng bawang hanggang maging paste at haluan ng 3 kutsaritang lime juice. Ipahid ang mixture sa anit at iwan ng isa’t kalahating oras bago banlawang mabuti ang ulo ng mainit na tubig.
Lagyan ng baby oil ang buhok at dahan-dahang suklayin para malaglag ang mga lisa sa ulo. Banlawan ang buhok at sabunin gamit ang sabong panlaba at mainit na tubig.
Bago matulog ay lagyan ng sukang puti ang buhok at magsuot ng shower cap o balutan ang buhok ng tuwalya. Hugasan ang buhok ng regular shampoo at maglagay ng conditioner kinaumagahan.
Maglagay ng olive oil sa buhok bago matulog. Magsuot ng shower cap o balutan ng tuwalya ang ulo. Kinaumagahan, suklayin ang buhok para tanggal ang mga lisa. Hugasan ang buhok ng herbal shampoo na may tea tree oil.
Maghalo ng 1/4 tasa ng asin at 1/4 tasang asukal. I-spray ang solution sa buhok hanggang mabasa. Magsuot ng shower cap at iwan ito ng dalawang oras. Hugasan ang buhok at lagyan ng conditioner.
Maghalo ng 1 kutsaritang tea tree oil at shampoo. Lagyan din ito ng 3 kutsarang coconut o olive oil. Ipahid ito sa buhok at maglagay ng shower cap. Iwan ng isa’t kalahating oras bago banlawan ng mainit na tubig. Suklayin ang buhok habang basa pa para matanggal ang mga patay na lisa.
Lagyan ng mayonnaise ang anit at magsuot ng shower cap. Iwan ng walong oras o magdamag.