PCSO, may P1.2-B pondo sa Universal Health Care! (Latest Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
NOVEMBER 05 2021
MAY naipon nang P1.2 bilyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Universal Health Care (UHC) project ni President Digong. Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na nakaimbak lang sa kanila ang pitsa at ang hinihintay na lang ay ang senyales mula kay President Digong kung anong ahensiya ng gobyerno i-turnover ang bilyones. Puwede rin sa PhilHealth ito ibuhos para makatulong sa gastusin laban sa pandemya at maging sa “Build, Build, Build” program ni President Digong. Iginiit ni Garma na katuwang ang PCSO sa mga proyekto ni President Digong kaya dapat tangkilikin ito ng mga Pinoy na mahilig magbakasakaling lumaki ang hawak nilang barya. Get’s n’yo mga kosa? Hihihi! Kaya’t madalas ang panawagan ni Garma na tumaya sa Lotto, Small Town Lottery (STL) at iba pang “laro na may puso” ng PCSO dahil malaki ang maitutulong nito sa gobyerno, lalo sa mga mahihirap na Pinoy na may karamdaman. Mismooooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaaa!
Itong UHC mga kosa ay pinirmahan ni President Digong noong Nobyembre 2019 para mabigyan ng libreng pampagamot ang mga Pinoy. Ang problema, inabotng pandemya ang UHC at medyo bumaba ang kita ng PCSO, kaya apektado rin ang naturang proyekto. Subalit dahil naipon ang pondo ng UHC umabot na ito sa P1.2 bilyon nitong buwan at hinihintay na lang ni Garma ang advice kung saan ire-remit ang pondo. Kasama na sa naimbak na pondo ang mga unspent funds ng charity funds ng PCSO at pati na ang mga premyo na hindi nakukubra. Mula sa 10 porsiyento, naging 20 porsiyento na rin ang documentary tax ng PCSO sa mga premyo kaya ang dinagdag na buwis ay mapupunta sa UHC. O hayan mga kosa, alam n’yo na kung saan napupunta ang kaltas ng mga premyo n’yo. Hindi ito binubulsa ng mga opisyales ng PCSO kundi napupunta sa UHC project ni President Digong para magkaroon ng libreng gamutan ang mga Pinoy. Ang UHC ay iba pa sa Medical Assistance Program (MAP) ng PCSO ha mga kosa? Hihihi! Marami talagang natutulungan ang PCSO kaya’t tangkilikin n’yo na ang gaming products nila mga kosa, lalo na ang Lotto. Dipugaaaaa!
Sa 2022 naman, tinitiyak ni Garma na lalaki na ang kita ng PCSO dahil magiging online betting na ang kanilang mga palaro. Hindi na lalabas ng bahay ang mga Pinoy para maging milyonaryo dahil isang pindot lang sa gadgets nila at presto… nakataya na sila sa Lotto, STL at iba pa. Kapag naging online betting na ang mga palaro ng PCSO, ang maapektuhang maigi ay ang online sabong, at e-sabong na bilyones ang kita subalit bokya naman sa kawanggawa, di ba mga kosa? Madagdagan pa ang ganansiya nila dahil bubuksan pa ang dalawang palaro na kikita ang PCSO ng P100 milyon.Kaya tama lang ang ibinabando ni Garma na “the more the PCSO earns, the more we share” sa ating gobyerno at kababayang naghihirap. Sa Lotto, may tsansa ka ng maging milyonaryo, nakakatulong ka pa sa kapwa mo Pinoy. Mismooooooo! Dipugaaaaaa! Abangan!