Champions League papalo sa Nobyembre 20 (Latest Sabong News)
Author
Chris Co
Date
NOVEMBER 01 2021
MANILA, Philippines — Wala nang makapipigil pa sa pagdaraos ng Champions League tampok ang pinakamatitikas na volleyball players sa bansa.
Aarangkada ito sa Nobyembre 20 hanggang 25 sa isang bubble setup.
Sasalang sa women’s division ang pitong koponan habang may pitong teams din sa men’s class.
Babanderahan ng reigning Premier Volleyball League (PVL) Open Conference champion Chery Tiggo ang listahan ng mga kalahok sa women’s side.
Kasama ng Crossovers ang Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference champion F2 Logistics, Sta. Lucia Lady Realtors at PetroGazz Angels.
Hahataw din ang Perlas Spikers, Baguio Highlanders at California Precision Sports.
Sa lumabas na grouping, nasa Pool A ang Cargo Movers, Highlanders at Perlas Spikers habang aariba naman sa Pool B ang Crossovers, Precision Sports, Lady Realtors at Gazz Angels.
Sa men’s division, papalo ang Basilan Peace Riders, Go For Gold Air Force Aguilas, Manileno Spikers, Global Remit, Sabong International Spikers, MRT-Negros at Team Dasma Monarchs.
Pasok sa Pool A ang Basilan Peace Riders, Go For Gold Air Force Aguilas at Manileno Spikers habang nasa sa Pool B ang Global Remit, Sabong International Spikers, MRT-Negros at Team Dasma Monarchs.
lalaruin ang men’s tournament mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4.
Bago pumasok sa bubble, kailangang sumailalim ng lahat ng players, coaches at officials sa swab test upang masiguro na walang sinumang mayCOVID-19 ang makakapasok sa bubble.