Crime rate sa Central Luzon, bumaba ng 13% –Gen. Baccay (Latest Sabong News)
Author
Non Alquitran
Date
APRIL 08 2022
BUMABA ng 13 porsiyento ang crime rate sa Central Luzon nitong first quarter ng 2022 dahil sa malawakang kampanya ng kapulisan laban sa droga at iba pang programa, ayon kay PRO3 police director Brig. Gen. Matthew Baccay. Mahigpit na ipinapatupad ni Gen. Baccay ang ending ng kampanya vs droga ni President Digong sa Central Luzon kaya ang naitala lang nilang krimen mula Enero hanggang Marso ay 1,328 cases o down by 13.04 percent sa 8,858 na kaso sa naturang period noong 2021.
“These significant decrease in crimes can be attributed to the leveling up of our anti-criminality measures particularly on our anti-drug campaign,” ani Gen. Baccay. “There is indeed a relationship between illegal drugs and the occurence of crimes. Through our relentless campaign on illegal drugs, there has been a notable crime reduction,” ang dagdag pa ni Gen. Baccay. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hindi lang street pushers ang itinatapon ng mga bataan ni Gen. Baccay sa karsel kundi maging ang high value target din. Mismooooo! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa?
Nitong nakaraang linggo lang, sunud-sunod ang accomplishments ng mga operatiba ni Gen. Baccay, kabilang na rito ang pag-aresto ng dalawang bigtime drug pushers na nakumpiskahan ng tatlong kilo ng shabu na nagkakahalagang ng P20 milyon sa Nueva Ecija. Sina Sittie Pindatun, 30, at Nor-an Bilal, 26, ay nasakote ng tropang pinamumunuan ni Col. Jess Mendez, Nueva Ecija PD sa Lakewood Subdivision, Bgy. Sumacab Este sa Cabanatuan City. Maliban sa shabu, nakumpiska rin sa mga suspects ang dalawang celfones at P1,000 marked money. Ayon kay Gen. Baccay, ang shipment ng shabu ay planong ikakalat ng mga suspects sa iba’t ibang lugar subalit napigilan sila ng mga tropa ni Col. Mendez. Dipugaaaaa!! Hak hak hak! Magaling talaga si Gen. Baccay, ‘no mga kosa?
Kung sabagay, nasakote rin ng tropa ni Gen. Baccay sa Bulacan sina Luthgard Abesamis, 39; Ferdie Sultan, 47, at Erwin Joson, 40 at nakumpiskahan ng 58.23 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000 sa isang drug sting sa Sitio Dumayat, Bgy, Paltaos sa Pulilan. Nakuha rin sa kanila ng mga operatiba ni Col. Rommel Ochave, Bulacan PD, ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala.
“Our campaign against illegal drugs, which is one of the main operational thrusts under the Intensified Cleanliness Policy of our chief PNP Gen. Dionardo Carlos, continues to be aggresive and effective because of the intensified intelligence gathering and operations, as well as constant coordination with the PDEA,” ani Gen. Baccay. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Walang kokontra ha, mga kosa?
Pipilitin pa ni Gen. Baccay na ibaba lalo ang crime rate sa Central Luzon nitong 2nd quarter ng 2022 sa pamamagitan ng pagsagawa ng SACLEO, checkpoint operations at pag serve ng arrest at search warrants laban sa mga mga kriminal. Siyempre, makakamtan lang niya ang primary goal na ito sa pakipagtulungan ng mga local government units (LGUs) at mainit na suporta ng publiko. Mismooooo! Teka nga pala! Kumusta na kaya ang pulitika sa Central Luzon? Hak hak hak! E-sabong ang nasa likod ng labanan sa Pampanga! Abangan!