Kris nakakuha ng katapat, show sa GMA naharang! (Latest Sabong News)
Author
Salve V. Asis
Date
OCTOBER 17 2016
MANILA, Philippines – Confirmed. Malabo na nga raw maging Kapuso si Kris Aquino sa ngayon.
Ang rason ayon sa isang source, hindi pumayag ang isang ‘powerful’ na matuloy ang kanyang show sa APT Entertainment. Malalim ang ikinuwentong dahilan ng source.
Bagama’t matagal na raw pero malalim at hindi ordinaryong isyu lang. Isama pa raw dito ang isyu ng pulitika noong panahon ni Pangulong Noynoy Aquino sa nasabing ‘powerful.’
Ang inasahan daw kasi ni Kris ay mapupunta na sa kanya ang timeslot ng Calle Siete ng GMA na ang producer ay ang APT pero hindi raw nangyari. May humarang na ‘powerful’ kaya walang nagawa ang ex-presidential sister ayon sa source.
Nawalan daw ito ng choice. At hindi umubra ang pagiging Kris Aquino nito. At obviously nakakuha raw si Kris ng katapat.
Ito ang sagot ng source nang matanong ko kung ano ba talaga ang real score sa sinasabing naudlot na show sana ni Kris na sana’y nag-umpisa nang mag-taping nu’ng September 22 pagkagaling niya ng Japan kasama ang mga anak na sina Joshua and Bimby.
Hindi klinaro ni Kris pero nauna na niyang inamin sa presscon ng No Stains, No Fears ng Ariel detergent soap kung saan pinarangalan nila ang 100 Filipinas who are fearless in pursuing their passion with the Wash Your Fears Summit, na tatlong linggong naging impyerno ang pinagdaanan niya. “I’ll be honest, ha? It’s been three weeks of hell. I won’t go into the details about what that hell has been, but it has been hell.
“Because several things that I thought I was going to start were delayed. I cried myself to sleep until Friday night,” pagtatapat nito sa presscon ng Ariel last week.
At ‘yun nga raw ang sagot sa nasabing ‘hell’ experience ng TV host/actress.
Actually mas na-focus ang nasabing presscon sa pinagdaanan ni Kris kesa sa kanyang pagiging ambassador ng nasabing sabong panlaba.
Anyway, ang nasabing summit for women featured a panel discussion na pinangunahan nga ni Kris and other seven female celebrity influencers na kilala na walang takot sa kanilang mga ginagampanan sa lipunan tulad ng fearless na beauty na si Miriam Quiambao, fearless advocate for peace and development Amina Rasul, fearless advocate for health and environment Anna Kapunan, fearless beauty queen and advocate for children’s education Marilou Chua, fearless journalist Samira Gutoc-Tomawis, fearless entrepreneur Mandy dela Rama and fearless lifestyle columnist Mons Romulo.
“Sometimes, no matter how focused we are on our goals, there will be unexpected situations and stains that will challenge our abilities. But being a Filipina and a mother, I learned to use the last ounce of strength to stand up and face my fears,” say ni Kris na in fairness ay may koneksiyon sa kasalukuyan niyang pinagdadaanan.
Gusto n’yo bang maging mabilis tuwing Lunes na karaniwang tinatamad ang karamihan?
Tutulungan kayo ng TV5 sa pamamagitan ng patok na US TV series na The Flash.
Gamit ng bidang si Barry Allen ang kanyang kakaibang liksi at bilis para tulungan ang mga pulis na labanan ang mga kriminal. On top of that, meron ding self-declared mission si Barry na hanapin kung sino ang pumatay sa kanyang ina nung bata pa siya.
So paano nga ba nakuha ni Barry ang kanyang super-speed power which made him The Fastest Man Alive? Nagsimula ito isang maulang gabi when a particle accelerator, invented by Star Laboratories to help power the city, malfunctioned. Nagbunga ito ng pagsabog na naging dahilan upang mabalot ang isang buong siyudad ng unknown form of radiation. Kasalukuyang nagta-trabaho noon si Barry when he got struck by lightning. At ang pinagsamang kidlat chemicals from his lab and radiation from the particle accelerator ang naging dahilan kung bakit na-coma si Barry ng siyam na buwan.
At nang magising, nadiskubre niya ang kanyang bagong out-of-this-world ability. Sa umpisa ay natakot siya at hindi sigurado kung ano ang gagawin.
Pero tulad sa ibang superheroes, nagdesisyon siyang gamitin ito para makatulong na maging maayos ang kalayagan ng mundo.
Interestingly, when Barry moves at super speed, nakakakita siya ng yellow blur na nakita niya nang masaksihan ang pagkamatay ng kanyang ina. Ang mga salita ng kanyang ina na “It’s better to have a good heart than fast legs” has kept Barry wondering if there is a connection between the past and his newfound power.
Habang may mga katanungan sa kanyang bagong role na super power, hindi naman siya nag-iisa dahil nakasama niya ang mga kaibigang sina Harrison Wells, Cisco Ramone and Kathlyn Snow, na tutulong sa kanya.
After the successful launch of The Walking Dead, Scandal and Nikita, TV5 is proud to bring Superhero Monday to free TV. Mapapanood ito ganap na 8:00 pm. Mauunang ipalabas ang isa pang modern superhero series, Arrow Season 3, ng 7:00 pm. In Tagalized format ang The Flash and Arrow 3.