Nalalanghap na Kemikal (Latest Sabong News)
Lahat ng nalalanghap na kemikal na pumapasok sa loob ng katawan ng tao ay delikado. Ang scent ay mula sa isang molecular structure na dinadala ng hangin na pumapasok sa ilong na dumadapo sa receptor sites nito na siyang naaamoy natin. Maraming sangkap ang scent na dumadaan sa dugo papunta sa utak na kinikilala ng brain. Kapag nakulong sa saradong lugar na may matapang na amoy ay nasisipsip din ang chemical sa pamamagitan ng ilong. Ang paglanghap ng chemical ay masama sa kalusugan, katulad din ng paninigarilyo na sinisira ang labi, ngipin, bibig, lalamunan, at baga.
Ang lahat ay nasanay nang naaamoy ang detergent o sabong panlaba, pero hindi ibig sabihin ay ‘di na ito nakakasama. Ibig sabihin ay nakalanghap na ng sobra-sobra na nakarehistro na sa utak ang amoy. Tulad ng naninigarilyo ay balewala na ang usok na nakadikit na ang amoy sa kanyang damit at gamit.