Pamatay ng kuto at lisa (Latest Sabong News)
Author
PITO-PITO
Date
AUGUST 12 2016
1. Paghalu-haluin ang fresh garlic juice, kaunting cooking oil, lemon extract, green tea, kaunting shampoo, at conditioner para makagawa ng paste. Ipahid itong mabuti sa buhok at anit. Takpan ang ulo ng towel o shower cap at iwan ng kalahating oras bago banlawan ng regular shampoo. Gawin ito isang beses sa isang linggo sa loob ng dalawang buwan.
2. Hugasan ang buhok ng sabong panlaba at mainit na tubig. Bago matulog ay lagyan ng sukang puti ang buhok at takpan ng shower cap o towel at iwan magdamag. Kinabukasan ay hugasan ang buhok at i-shampoo at conditioner. Ulitin ang proseso sa loob ng apat na araw.
3. Maglagay ng olive oil sa buhok bago matulog. Lagyan ng shower cap o towel ang ulo at iwan magdamag. Kinaumagahan suklain ang mga kuto at hugasan ang buhok gamit ang herbal shampoo na may tea tree oil.
4. Maghalo ng tig-1/4 cup ng asin at suka. I-spray ang solution sa buhok at maglagay ng shower cap. Iwan ito ng dalawang oras bago hugasan at i-shampoo at conditioner. Gawin ito kada-ikatlong araw.
5. Maglagay ng petroleum jelly sa anit bago matulog. Lagyan ng shower cap o towel ang buhok at iwan magdamag. Kinaumagahan, gumamit ng baby oil para matanggal ang petroleum jelly. Suklayin ang buhok para matanggal ang lisa.
6. Maghalo ng isang kutsaritang tea tree oil at 1 oz. ng natural shampoo at 3 kutsarang coconut oil o olive oil. Ipahid sa buhok at takpan ng shower cap o towel. Iwan ng kalahating oras bago hugasan ng mainit na tubig. Suklayin ang mga patay na lisa.
7. Hugasan ng sukang puti ang buhok bago mag-shampoo.