Napamaskuhan, 13th month pay at bonus ipinangsabong: 10 timbog (Latest Sabong News)
Author
Cristina Timbang
Date
DECEMBER 28 2021
CAVITE, Philippines — Sampu katao ang inaresto matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa ng tupada o illegal na sabong kamakalawa sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling ang mga dinakip na sinaJohn Christian Molina,Rolland Terrobias,Anicieto Carampot,Marvin Balleras,Albert Encabo,Danilo Bendal,Rolando David,Nhesdie Colos,Louise Pagkaliwangan atHomer Ojano, pawang residente ng Sitio Karampot sa naturang barangay.
Sa ulat mula sa Cavite Provincial Police Office, alas-11:30 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang nasabing lugar at naaktuhan ang mga suspek na nagtutupada.
Lumalabas na karamihan sa mga naaresto ay galing pasa kanilang mga napamaskuhan, Christmas bonus at 13th month pay ang perang ipinangsugal sa sabong.
Narekober sa raid ang mga perang ginamit sa sugal, mga manok na panabong, mga tari at tatlong patay na manok na panabong.