PAGCOR kinastigo sa pag-operate ng online sabong kahit Biyernes Santo (Latest Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
APRIL 19 2022
MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pag o-operate ng online sabong sa gitna ng paggunita ng Semana Santa nitong nakaraang linggo ay kinastigo ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa misteryosong pagkawala ng mahigit sa 30 sabungero sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi naitago ni Tolentino ang pagkadismaya sa liderato ng PAGCOR dahil sa ulat na tuloy ang e-sabong operations nitong Biyernes Santo (Abril 15).
Giit nito na ang Biyernes Santo ay sagradong araw para sa mga Katoliko at Sambayanang Kristiyano sa pangkalahatan bilang pag-alala at paggunita sa pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoong Hesukristo at ang nabanggit na pagdiriwang ay tradisyunal na araw din ng pag-aayuno at pangingilin para sa mga sumasampalataya.