Strawberry flavoring may 50 kemikal! (Latest Sabong News)
Mahilig ba kayo sa strawberries? Kung hilig n’yo rin ang prustas na ito lalo na kapag nasa milkshake at ice cream, puwes mag-ingat kayo sa mga fast food.
Alam natin na may mga artificial flavoring na ginagamit ang mga fast food. Pero ang artificial flavor na strawberry ay ginagamitan ng 50 iba’t ibang uri ng kemikal. Oo, hindi lima, hindi sampu kundi limampu! Ganito karaming kemikal ang pinaghahalo ng mga fast food corporations para magaya ang straberry flavor.
Ilan sa mga kilalang kemikal ay ang ethyl acetate, na ginagamit sa paggawa ng glue, nail polish remover o acetone, at sigarilyo. Ang phenethyl alcohol naman ay ginagamit sa mga pampaganda sa mukha. At ang isa pang matinding kemikal na inihahalo ay ang solvent na ginagamit naman sa mga panlinis, paint thinner, pabango at sabong panlaba.
Kaya sa susunod na kakain kayo sa mga fast food chain at maisipang mag-order ng kahit ano’ng may strawberry flavor, tandaan n’yo ang 50 kemikal na nakapaloob dito. Burp!