Colonel, 3 pa na may kinalaman sa ‘missing sabungeros,’ sinibak (Latest Sabong News)
Author
Doris Franche
Date
MARCH 24 2022
MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang Provincial Director ng Laguna-PNP na si Col. Rogart Campo matapos ibunyag sa Senate hearing ng negosyante at gambling operator na si Charlie ‘Atong’ Ang na may kinalaman umano ito sa pagkawala ng mga sabungero at tumanggap ng P1 milyon donasyon.
Ayon kay PRO4A chief Police Brigadier General Antonio Yarra, ang pagkakasibak o administrative relieve laban kay Campo ay ibinaba upangmaiwasang maimpluwensiyahan ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng mga sabungero.
Pagpapaliwanagin din niya si Campo hinggil sa akusasyon ni Ang na pagtanggap nito ng P1milyong donasyon na nakadestino ngayon sa personnel admin unit ng DPRM sa Camp Crame.
Nasa restrictive custody naman sa regional headquarters ng PRO4A sina Patrolman Roy Navarete, Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Police Master Sergeant Michael Claveria na tatlo sa limang pulis na positibong ituro ng mga kamag-anak ng mga nawawalang e-sabong master agent na si Ricardo “Jonjon” Lasco.
Tiniyak ni Yarra na tututukan nila ang isyu upang agad na maresolba at mabigyan ng hustisya angpamilya ng mga nawawalang sabungero.