Reso ng Senado sa e-sabong wala pa sa Malacañang (Latest Sabong News)
Author
Malou Escudero
Date
MARCH 02 2022
MANILA, Philippines — Wala pang natatanggap na resolusyon ang Malacañang mula sa Senado tungkol sa pagpapatigil ng kontrobersiyal na e-sabong.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, wala pang ipinapadalang resolution sa Office of the President o kahit sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
“Wala pa po tayong nakikitang Senate Resolution, walang Senate Resolution na binigay or pinadala sa Office of the President. Wala pong Senate Resolution na binigay or pinadala sa PAGCOR,” ani Nograles.
Puro mga balita pa lamang sa mga pahayagan ang kanilang mga nababasa pero wala pang opisyal na dokumento.
Nauna rito, nilinaw ng Malacañang na hindi pa sinususpinde ni Duterte ang e-sabong na nais sanang mangyari ng isang komite sa Senado sa gitna nang pagkawala ng 31 sabongero.