Operation ng e-sabong iligal na, mga lalabag aarestuhin, ikukulong (Latest Sabong News)
Author
Mer Layson
Date
MAY 05 2022
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na iligal na ang patuloy na operasyon ng e-sabong at maaaring arestuhin at kasuhan ang sinumang lalabag dito.
Ito ang sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang pagpapatigil sa online sabong operations base sa rekomendasyon ni DILG Secretary Eduardo Año.
Ikinatuwa rin ni Malaya na mismong si Charlie ‘Atong’ Ang, na may-ari ng Pitmasters Live, ay nagbigay na ng public statement na tatalima sila sa kautusan ng pangulo.
Sinabi naman ni Malaya na tumaya na lamang sa tradisyonal na sabong ang mga apektado sa tigil-operasyon ng e-sabong.
Sa pagtataya ng DILG, mayroong 5 milyong e-sabong players sa bansa.