Alden wasak wasak sa ibang fans (Latest Sabong News)
Author
Salve V. Asis
Date
SEPTEMBER 16 2018
Grabe kawawang-kawawa talaga si Alden Richards sa ibang fans.
Yun lang mga tina-tag nila sa Twitter ko, grabe, over, ang masasakit na bintang, hindi lang kay Alden kundi pati sa mga nagpapatakbo ng Victor Magtanggol.
Parang hindi ng ata sila fans kung manlait. Imbes na tulungan, katakut-takot na paninira pa ang kanilang binabato.
Hindi kaya raket na ito ng ibang fans na bumubuo ng grupo tapos may ilang nabobola para mag-finance sa kanila na atakehin si Alden?
Wow, iba rin.
Tumatanggap ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) Operation Bayanihan ng donasyong relief goods para sa mga masasalanta ng Typhoon Ompong.
Maaaring mag-donate ng bigas, noodles, canned goods, bottled water, ready-to-eat-food, bagong tuwalya, bagong kumot, banig, toothbrush, toothpaste, sabong panligo, at sabong panlaba.
Sumusunod ang GMAKF sa “six-month expiry rule” para sa mga relief goods kung saan tatanggapin lamang ng Foundation ang mga donasyong higit sa anim na buwan mula sa pagtanggap ang expiry date.
Maaaring dalhin ang relief goods sa Kapuso Foundation Office sa Samar Ave. corner GMA Network Drive, Diliman, Quezon City o kaya sa Kapuso Foundation Warehouse sa #366 GMA Compound, Barangay Culiat, Tandang Sora, Quezon City.
Maaari ring magbigay ng direct cash donations sa GMAKF office kung saan makakakuha ng resibo ang mga magdo-donate. Pwede ring mag-deposit saMetrobank, BDO, UCPB, PNB at Cebuana Lhuillier para sa monetary donations.