P200 kada buwan kulang ayuda gagawing P500 ni Duterte (Latest Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
MARCH 22 2022
MANILA, Philippines — Pinadadagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ayudang P200 na ipapamamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Kaya inatasan niya si Finance Secretary Carlos Dominguez na maghanap ng pondo at gawin itong P500 dahil sa kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilya na may limang miyembro.
Bilin naman ng pangulo sa mga benepisyaryo na huwag lamang gastusin ang ayudang pera sa e-sabong.
Matatandaan na sa halip na suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo ay nangako ang gobyerno na magbibigay ng P200 na ayuda kada buwan sa mahihirap na pamilyang Filipino.