Philracom officials hiling kay Digong na palitan (Latest Sabong News)
Author
Angie dela Cruz
Date
MARCH 20 2017
MANILA, Philippines - Dahil sa pagkabigo umano na mapigilan ang illegal online sabong sa ilang off-track betting stations sa buong bansa ay hiniling ng anti-graft group na Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) kay Pangulong Rodrigo Dutertena palitan na ang matataas na opisyal ng Philippine Racing Commission (Philracom).
“The incumbent Philracom officials have “willfully ignored and betrayed the best interests of the entire horseracing industry, causing serious harm to stakeholders and the government.”pahayag ni ATM founder Leon E. Peralta
Una nang nagsampa ng kasong graft ang grupo ni Peralta sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Philracom na pinangungunahan ni Philracom Chairman Andrew Sanchez dahil sa kawalang aksiyon ng ahensiya na sawatain ang online sabong sa OTBs.
Sinabi ni Peralta sa isang pulong balitaan na hinala nilang ang mga opisyal ng Philracom ay nagsabwatan nang payagan ang operasyon ng onlinesabongsa OTBs sa kabila na nalalamangillegal ito at may hatid na epekto sa racing industry.
Nagsimula ang onlinesabongnoong December 2015 na kumita umano ito ngP1 bilyon noong 2016 pa lamang, pero walang naipapasok na buwis sa pamahalaan.