Maraming pagsubok na nalampasan! (Latest Sabong News)
Author
Lolit Solis
Date
MARCH 03 2022
Naku, Salve, talagang pati tayo na taga-Take It… Per Minute Me Ganun nagkaroon ng anxiety attack.
Siguro nga dahil sa gulo ng paligid at mga pangyayari, parang may domino effect ito sa mga tao.
For a while, akala natin maaapektuhan ang ating online show, pero dahil mahal tayo ni Papa Miguel Belmonte suportado niya tayo habang kaya niya.
‘Yung samahan kasi ang talagang hindi mo maiwan dahil parang pamilya na ang lahat.
For three long years magkasama tayo na dinaanan lahat ng pagsubok, kaya naman worth it ipaglaban.
Biruan na nga lang ‘yung talent fee dahil hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay ‘yung oras na inuukol mo sa mga kasama sa show, ‘yung nabuo na partnership kina Cristy Fermin at Mr. Fu, ‘yung parang bahay mo ang Obra ni Nanay Gallery ni Cristy for three long years.
Pero now, tulad ng dati, hayan si Papa Miguel at ipinaglalaban ang Take It…, kaya alam mo na kung bakit Mayor Joy Belmonte kami forever, dahil magkapatid sila ni Papa Miguel. Go for the win, Take It… and Mayor Joy of Quezon City.
Ang bait talaga ni Aileen Choi Go, Vice President for Sales and Marketing of Megasoft Hygienic Products, Inc., Salve. Imagine mo na ang giveaway niya sa presscon ay very practical, ang Fast Clean Detergent powder na talagang magagamit natin sa bahay.
Hindi supot kundi sako ng sabon na talagang ikakatuwa mo dahil malaking savings sa gastos hah hah hah. Saka maganda panlaba at mabango sa damit.