E-Sabong ipinagtanggol ni Duterte (Latest Sabong News)
Author
Gemma Garcia
Date
MARCH 19 2022
MANILA, Philippines — “Sa mga tao na gumawa ng kademonyohan dapat isisi ang pagkawala ng mga sabungero at hindi sa e-sabong.”
Ito ang ilan sa laman ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapasinaya ng bagong Leyte provincial capitol sa Palo nang muling ipinagtanggol ang e-sabong na kumikita ng P640 milyon kada buwan.
Binigyang diin ng Pangulo na mawawala sa pamahalaan ang bilyong piso na kikitain sa operasyon ng e-sabong kapag ipinatigil ito.
“It’s not the fault of the management… it’s the fault of evil men doing something wrong tapos nagkaupakan. Iba ang kultura ng mga sabungero at mga sindikato. Nagkabukuhan lang sila eh,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Ang problema pinatay lahat. Thirty-eight? Thirty-six?Kasama sila sa pustahan e. Sa iba’t ibang probinsya para hindi mahalata. Pupusta sa llamado o dehado depende sa usapan,” dagdag na pahayag nito sa pinaghalong Bisaya at Tagalog.
Bahala na aniya ang kapulisan na magpahinto sa krimeng maaaring kasangkutan nito.