Presyo ng gatas, sabon bababa (Latest Sabong News)
MANILA, Philippines — Nakatakdang magbaba ng presyoang ilang mga pangunahing bilihinngayong Marso kabilang ang gatas at sabong bareta.
Nabatid kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, nasa P50 ang ibabawas sa isang kilo ng isang brand ng powdered milk habang P120 sa 1.8 kilo.
Nasa P0.50 naman ang ibababa sa presyo ng bareta.
May nakaamba na rin aniyang bawas sapresyo ng Pinoy Tasty na nasa P0.50, gayundin saisang pack ng 10 pirasong pandesal dahil magpapalit na ng mas murang klase ng harina ang mga panaderya.
Maging sa presyo ng ilang construction materials ay magbaba rin ng presyo ngayong buwan, ayon pa sa DTI.