Pangulong Duterte sa mga biktima ng bagyo: Huwag gamitin ang ayuda sa bisyo (Latest Sabong News)
Author
Robie de Guzman
Date
DECEMBER 30 2021
Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng bagyong Odette na huwag gamitin sa pagbili ng alak, sa sabong at iba pang bisyo ang matatanggap nilang ayuda mula sa pamahalaan.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang dumalaw ito at makipag-usap sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Negros Oriental noong Miyerkules.
“Karon, mangutana ko ninyo, ang kwarta bang tag-singko mil niabot na? Wa pa? Naabot na? Hurot na? Mao may buhat ana. Naa na ang kwarta, labi na nang singko mil, naay mga banang torpe nga mga ugok magsige — igasto na hinuon og inom. Kani pung mga asawa, og wa nay buhaton, puro Marites, magsige’g… Sige’g tsismis, sige’g dula og piyatpiyat,” ani Duterte.
“Kanang kwartaha para na sa pamilya, para sa bata. Ayaw ko ninyo’g binuangi kanang mag-inom mo, gamiton ninyo ang kwarta. Balikan ta ka ngari, sumbagon taka. Bitaw. Naa gani mu-report na ang inyong kwarta nahurot na kay gitari-tari, l****. Way amigo-amigo. Anhion ta mo,” dagdag pa niya.
Patuloy na naglilibot si Pangulong Duterte sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo upang personal na alamin ang pinsala at tiyaking maayos ang relief at recovery efforts sa mga naapektuhang probinsiya.
Ayon sa Malacanang, nagbigay ng direktiba si Pangulong Duterte sa Department of Social Welfare and Development na magkaloob ng trapal, family food packs, kaldero at financial assistance sa mga biktima ng bagyo sa probinsya.
Inatasan din nito ang Department of Health na tugunan ang health concerns ng mga kababayan sa Negros Oriental.