Greta, may ebidensiya laban kay Sen. Bato?! (Latest Sabong News)
Author
Salve V. Asis
Date
MARCH 31 2022
Game si Gretchen Barretto sa mga sagot ni Sen. Bato dela Rosa sa kanyang side comments sa Instagram.
Kahapon ay sumagot si Ms. G : “I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela rosa . In front of media. Time & place? Hurry pls.” post ni Gretchen.
Kilalang walang inuurungan si Ms. Greta.
Maaalalang nag-comment si Ms. Greta habang isinasagawa ang hearing ng e-sabong kamakailan sa Senado. IG stories ni Ms. G : “Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation,” ani Gretchen at napansin din nito ang relos ng senador. “Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My god! A senator has that much! My God!”
Pinuna rin ni La Greta ang line of questioning ng senador at dapat daw sa senador, sa game show. “How did Bato ever become a senator? Tingnan mo ang line of questioning niya. Kailangan talaga, lawyer ang mga nakaupo. People, vote wisely. Don’t vote a Bato! My gosh! Dapat sa ‘yo, game show.”
Sumagot sa interview si Senator Bato : “Mahal daw ‘yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng 85,000 na halaga ng relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga ‘yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila ‘yun,” sabi ng senador.
Tinanggi rin nito na tumatalpak siya at may utang pa.
So exciting abangan ang paghaharap nila kung sakali.
Uy biglang hindi na kay Ria Atayde nali-link si Joshua Garcia.
Kay Trina Guytingco na ng Ateneo Women’s basketball team (guard) dahil nga sa mga social media posting nila habang nasa El Nido kung saan may kuha silang magkaakbay.
Though magkakatropa sila nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Kasama rin ng tropa nila si Alora Sasam, Zanjoe Marudo at marami pang iba.
Magkakasunod nag-birthday sina Kathryn, Ria and Alora at doon nga sila nag-celebrate.
So sino nga kaya kina Ria and Trina ang ‘real girl’ ni Joshua?