Duterte sa sinalanta ni ‘Odette’: Sasapakin gumastos cash aid sa alak, sabong (Latest Sabong News)
Author
Sherrylou Nemis
Date
DECEMBER 30 2021
Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente na ‘wag gagastusin sa alak o sabong ang makukuhang cash aid.
Tinanong ng Pangulo ang mga nakaligtas sa bagyo sa Bais City, Negros Oriental, kung nagastos na ng mga ito ang cash assisstance.
“Have you received the P5,000 cash assistance? Not yet? Or have you spent it all?” tanong ni Duterte.
“That’s what usually happens if the husband spends the P5,000 on alcoholic beverages. And the wives, if they have nothing to do, they are like ‘Marites’ and keep on gossiping and playing poker,” saad ng Presidente.
Aniya, kapag nalaman niyang ginastos ng mga ito ang pera sa alak at sabong babalikan niya ang mga ito upang sapakin.
“Don’t mess with me by using the money to purchase alcoholic drinks. If you do that, I’ll come back here for you and punch you. Yes, I will. If somebody reports to me that you spent your money on cockfighting, I won’t regard anybody as my friend. I will really come back for you,” pagbibiro pa nito.
Makakatanggap ng P1,000 na cash aid ang mga residente sa lugar na winasak ng nasabing bagyo at hanggang 5 miyembro ng isang pamilya ang maaaring makakuha ng ayuda. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto